Sabado, Hulyo 20, 2013

HIV/AIDS: Paano maiiwasan?

Ang HIV o AIDS ay maaaring iwasan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Pag-iwas sa pagkakaroon ng maraming katalik:
     Ang pagkakaroon ng maraming ka-sex ay higit na mapanganib at mataas ang tsansa na mahawa sa iba't ibang uri ng STI/STD lalo na ang HIV/AIDS. Disiplina at kontrol sa sarili ang susi upang maka-iwas sa pagkakaroon ng maraming katalik. Ang higit na edukasyon at tamang kaalaman tungkol sa HIV/AIDS at iba't ibang uri ng STD/STI ay makatutulong rin upang maiwasan ang pagkakaroon nito.
2. Proteksyon sa pamamagitan ng tamang paggamit ng "CONDOM":
     Isang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng HIV/AIDS at STD/STI ay ang tamang paggamit ng "condom". Kung ang isang tao na "sexually active" ay gumagamit ng "condom" mas nagiging mataas ang tsansa nyang maiwasan ang pagkakaroon ng HIV/AIDS o STD/STI.
3. Pag-iwas sa droga na tinuturok (Drug Injection):
     Isa rin ang paggamit ng mga droga na tinuturok ang dahilan sa mabilis na pagkalat ng HIV/AIDS. Ito ay sa dahilang ang mga tao o grupo ng taong gumagamit ng ganitong uri ng droga ay kadalasang naghihiraman ng karayom. Sa pamamagitan nito, ang isang taong HIV Positive ay maipapasa ang Virus sa sinumang susunod na gagamit ng karayom.
  
4. Maagang pagsuri at paggamot sa STI o sexually transmitted infections

5.  Tamang kaalaman at edukasyon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento