Kung sa palagay mo may HIV/AIDS ka, mas makabubuting
magpa-test o sumangguni agad sa mga Doctor para sa karagdagang kaalaman pangkalusugan. Sa
topic na ito ipapakita ang mga possibleng sintomas ng isang tao na may
impeksyonng dala ng HIV.
Walang kasiguraduhan kung paano at gaano kabilis ang
paglaganap ng impeksyon ng HIV sa katawan ng isang tao. Ang mga sintomas at palatandaan
ay maaring maging asymptomatic habang ang impeksyon ay nasa proseso ng pagdami.
Kadalasan ang mga taong nadapuan ng sakit na ito ay nakakaranas ng flulike symptoms
o acute retroviral syndrome (ARS) – isang primary infection sa immune system
kung saan ang tao ang nagkakaroon ng pabalik-balik na lagnat sa loob ng 2-4 na linggo
depende sa natitirang lakas ng resistensya sa katawan ng tao. Ating alamin pa ang ibang
possibleng sintomas ng impeksyon dulot ng HIV sa tao.
Fever/Lagnat
Tulad ng naunang nabanggit ang lagnat na pagbalik-balik sa
loob ng 2-4 linggo ay maaring maging sintomas. Kung ang lagnat ay hindi
bumababa sa 37.5°C (degree Celsius) at may kasamang kakaibang pagod, pamamaga ng
lymph nodes at pagsakit ng lalamunan, maaring ang taong nakakaranas nito ay may
impeksyon na. Sa ganitong panahon, ang virus ay napupunta sa main bloodstream
at nagsisimula nang kumalat sa katawan
ng tao.
Pamamaga ng lymph nodes
Ang lymph nodes ay isang mahalagang parte immune system, at pag ito
ay namaga ibig lamang sabihin ay may impeksyon sa loob ng katawan ng isang tao. Ang mga lymph
nodes ay matatagpuan sa kili-kili, singit at leeg. Kasabay ng pagkakaroon ng
pagang lymph nodes ang pagkakaroon ng muscle at joint pains o mga kasukasuan.
Palagiang pamamaga ng lalamunan
Ang palagiang pamamaga ng lalamunan ay isa rin sa mga
possibleng sintomas ng impeksyon lalo pa at may kaakibat ng matinding pagsakit
ng ulo. Madalas itong naiihalintulad sa “tonsillitis” ngunit kung ang isang tao
ay may impeksyon dulot ng HIV ang pagsakit at pamamaga ng lalamunan ay magiging
madalas. Ito ay nagdudulot rin sa isang tao ng hirap sa paglunok at possibleng
madebelop ng iba pang fungal infections tulad ng candidiasis o “thrush”.
Skin Rashes
Maaring makita ang skin rashes sa una o huling yugto ng
pagkakaroon ng impeksyon. Madaming uri o klase ng rashes sa balat ang maaring
dumapo depende sa estado ng immune system. Kadalasan nagsisimula ito sa tila pulang
butlig na may pambihirang kati na sa kalaunan ay maari pang magdulot ng sugat
sa katawan. Walang partikular na parte ng katawan ito lumalabas, kaya mas
mabuting nang sumangguni agad sa mga espesyalista kung nakakaramdam nito.
Pagtatae at Pagkabawas ng timbang
Ang pagtatae ay isa sa mga common na possibleng sintomas lalo
na kung ito ay nagiging madalas sa isang tao. Dahil patuloy na kumakalat ang
virus sa katawan, natataman at naapektuhan na rin ang digestive system ng tao
na nagdudulot ng madalas ng pagtatae at nauuwi sa mabilisang pagkabawas ng
timbang.
Tuyong ubo
Ang normal na ubo ay tumatagal lamang dalawang linggo sa
isang tao na may maayos at magandang immune system. Ngunit, kung ang tao ay may
impeksyon dulot ng HIV, ito maaring tumagal ng ilang buwan o maaring taon pa. Madalas
itong napapagkamalang allergy ngunit hindi ito natatanggal sa mga commercial na gamot
tulad ng antibiotics at antihistamine. Ang matagal na pagkakaroon ng ubo ay
maaring mauwi pa sa ibang respiratory problems kapag hindi naagapan tulad ng
pneumonia at tuberculosis.
Night sweats
Ito ay ang pagpapawis nang labis habang ang tao ay tulog. Hindi ito normal sa taong may maayos at magandang immune system at
hindi ito kumportable sa taong nagkakaroon nito. Ang pagkakaroon ng night
sweats ay dahil sa bacterial infection (mycobacterium avium complex, MAC) at ng
fungal infection (histoplasmosis), tuberculosis, at ng endocrine disorders.
Nail discolorations
Ang pagkakaroon ng pagbabago sa kulay ng kuko ay isa sa mga
possibleng dahilan. Ang pagbabago ng kulay ay maaring dahil sa fungal infection
tulad ng “candida”. Tandaan na ang mga taong may impeksyon ng HIV ay mas
lapitin sa mga fungal infections. Kung ang kuko ay naghahati-hati, at
nagkakaroon ng tila brown/black na guhit pahalang man o pataas, ito ay maaring
sintomas ng fungal infection.
*Isang paalala na ang mga sintomas ng HIV/AIDS ay maaring lumabas bago o pagkatapos maimpeksyon ng virus. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin kaming nangangalap sa mga possibleng sintomas kaya kung may nais kayong idagdag dito ay maaring mag-iwan lang komento.
Think
you have HIV? The only way to tell is to get an HIV test...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento