Ang impeksyon na dulot ng HIV ay nakaka-alarma at maging
ang patuloy na pagdami ng nagkakaroon nito sa kahit na anong kasarian. Ang
pagpapasa ay sa pamamagitan lamang ng mga likido tulad ng – dugo, semen,
precum, rectal fluids, vaginal fluids, at gatas ng ina na positibo sa HIV. Ang
mga likidong ito ay dapat lamang magkaroon ng contact sa mucous membrane o
damaged tissue (matatagpuan sa loob ng rectum, vagina, opening of the penis at
sa bibig), at direktang pagturok sa bloodstream ng isang tao upang
makapanghawa. Madaling maiwasan ang impeksyon na dulot ng HIV sa mga sumusunod
na paraan;
- Hindi protektadong pakikipagtalik sa tao na positibo sa HIV o ang tinatawag na UNPROTECTED sex (sex without condom) sa pamamagitan ng anal sex, vaginal sex at maging oral sex (kung ito ay may sugat),
- Pagsasalin ng dugo ng isang HIV+ sa ibang tao (Blood Transfusion),
- Pagdo-donate o pagbibigay ng mga internal organ ng isang HIV+ (Organ Donation),
- Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapasuso ng Gatas ng Ina sa Anak, (Mother to Child Transmission), at
- Paggamit ng karayom na naiturok sa ibang tao na positibo sa HIV.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento