Ano nga ba ang Pulang Laso?
Para sa karamihan ang Kulay Pula ay simbolo ng pag-ibig. Pag-ibig na walang kinikilalang kasariaan, lahi, antas ng pamumuhay, edad at lenggwahe. Kaya't marami sa atin ay paborito ang kulay pula. Ngunit para sa ilan ang kulay na pula ay sumisimbolo rin ng katapangan at galit.
Ang Pulang Laso ay simbolo ng isang adbokasiya laban sa isang karamdaman. Karamdamang ilang dekada ng nilalabanan sa iba't ibang panig ng daigdig, ang HIV/AIDS. Madaming grupo ang patuloy na nagbibigay tulong, edukasyon at tamang kaalaman upang lubos na maunawaan ang mga iba't ibang paraan upang maiwasan ang sakit na ito na magpahanggang sa ngayon ay patuloy pa ring hinahanapan ng lunas.
Sa Blog na ito, iikot ang buhay ng ilang taong dinapuan ng sakit na HIV/AIDS. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap. Patuloy pa rin nilang nilalabanan at nakakasilay ng liwanag at bagong pag-asa na makakapagbigay kaalaman at inspirasyon hindi lamang sa mga PLHIV (person living with HIV) pati na rin sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sabay-sabay nating pasukin ang mundo ng pakikibaka ng ilan sa mga PLHIV. Upang lubusan nating mauunawaan ang mga pagsusubok at kung paano nila ginawang positibo at kapaki-pakinabang ang paglaban sa HIV/AIDS.
Maaring may mga sensitibong bagay na mababanggit habang binubuo ang blog na ito kaya patnubay at malawak na pang-unawa ang aming hinihingi sa inyo. Buksan ang isipan at maging handa sa mga kaalamang maaring mapulot upang maipamahagi ng tama sa ibang tao.
Mula kina:
Edge Four, Red Warrior at Dra. Magayanes
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento