Biyernes, Hulyo 19, 2013

HIV1 and HIV2: Ang Pagkakaiba


Ang mahalagang bagay na dapat malaman kung bakit ang HIV ay isang mapanganib at nakamamatay na impeksyon ay ang mabilis na pagkalat nito sa katawan ng isang tao. Kapag ito ay pumasok na sa katawan ng isang tao, ang proseso ng pagkalat o replikasyon ng virus ay mabilisan lalo na kung ang katawan ay walang sapat na paglaban dito.

Sa pagsasaliksik, natagpuang may dalawang klase ng HIV; ang HIV1 at HIV2.  Sa pagtakalay ng usaping ito pipilitin na maipakita ang mga possibleng kaibahan ng dalawang klase ng HIV sa kabila ng magkaparehong paraan ng pagsasalin o “transmission” tulad ng hindi ligtas pakikipagtalik, at blood contact.
  • Ang HIV1 ay pinaniniwaalang nagmula sa mga gorillas at chimpanzees, at ang HIV2 na nagmula sa sooty mangabeys na matatagpuan sa Senegal, Ghana.
  • Ang mga naitalang kaso ng HIV ay higit na mas nakakarami sa HIV1 kung ikumpara sa HIV2. Ito ay sa kadahilanang ang HIV2 ay sa lugar ng west Africa lamang matatagpuan hindi katulad ng HIV1 na laganap na sa buong mundo.
  • Ang mga gamot na napag-aralan tulad ng antiretroviral therapies ay higit na pinagtutuunan ang HIV1 (kung saan ito ay epektibo upang makontrol ang pagkalat ng virus sa katawan ng isang tao) dahil sa ito ay mas pangkaraniwan kumpara sa HIV2.
  • At, ang HIV2 ay mas higit na mabagal ang progreso at mabagal na nakakapagpahina ng immune system ng isang tao kung ihahantulad sa HIV1. Maging ang pagpasa ng HIV2 ay hindi kasing bilis tulad ng HIV1.
Sa kabila ng magkaibang klase ng HIV, maaring magkatulad ang mga sintomas at palatandaan ng impeksyon. Ang dalawang klase ng HIV ay maaring humantong sa puntong tinatawag na AIDS kung ang katawan ng isang tao ay walang sapat na panlaban sa pagkalat ng virus, isang bagay na dapat tandaan at huwag ipagbahala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento