Itanong Mo Kay Dok

Para sa mga katanungan, maaring ninyong isulat sa espasyo sa ibaba at aming sasagutin ang inyong tanong sa tulong ng isang Specialist Doctor;

     Doctor's Professional Information
     Sheryll J. Magayanes, MD
     Internal Medicine - Infectious Diseases Specialist

     Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
     Pampanga Medical Specialist Hospital (PMSH)
    Jose B. Lingad  Memorial Regional Hospital (JBLMRH)
    Angeles University Foundation Medical Center (AUFMC)

16 (na) komento:

Unknown ayon kay ...

tanong ko lang po.
pwede po bang bumaba ang CD4 count at mag negative sa test!?

edge four ayon kay ...

Hi Juan Dela Cruz,
Maraming salamat sa iyong iniwang tanong. Dahil dito, nakipag-ugnayan agad ako kay Dok para hingiin ang kanyang kasagutan at ito ang kanyang sinabi...

"The normal CD4 is usually 500 to 1500 and only 2 (two) CD4 population is in the blood ung iba nasa tissues kaya d talaga ito ang gauge ng treatment kundi viral load..maari din na mag-negative (below zero) ang CD4 depende sa clinical circumstance ng patient." - Dr. Magayanes

Sana ay nakatulong sa iyo ang kanyang kaalamang ibinahagi. Magkakaroon pa tayo ng mga topics na related sa ganitong usapin. Maaring antabayan at patuloy na subaybayan ang blog na ito sa mga susunod na araw. Salamat
.edge four

harley ayon kay ...

Upon taking the medicine tumaas man ang CD4 count dapat ba continue Latin ang page take ng ARV?


R13 HLM "mark"
09168344460

edge four ayon kay ...

Hi Harley,
Ang gamot na ARV ay maaring makatulong upang tumaas ang CD4 ng isang taong may impeksyon ng HIV kung tama ang pag-inom nito. Ito ay panghambuhay na gamot sabi nga "once you started it will be lifetime" at hindi maaring itigil kahit mataas na ang CD4 mo. Sa pagtuloy na pag-inom nito, ang iyong resistensya ay maaring lumakas muli. Panatalihing nasa tama lamang ang pag-inom nito. Salamat
.edge four

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Ang pag sex po kahit once na unprotected, guarantee po bang makahawa kaagad? O may posibilidad paring di makahawa??

Unknown ayon kay ...

Ang pagkakaroon ng HIV ay depende sa
-paraan ng pakikipagtalik: mas malaki ang posibilidad na mahawa at makahawa kung anal intercourse ang ginagamit na kaparaanan.
-paggamit ng proteksyon: nababawasan ng 80% ang posibilidad na makapanghawa o mahawa ka kung lagi kang gumagamit ng condom.
-dalas ng exposure sa mga "risky behavior": mas mataas ang posibilidad na mahawa ka kung madalas kang makipagtalik ng walang proteksyon sa mga hindi mo gaanong nakikilala o sa mga taong nagpapabayad sa gaanong klase ng serbisyo (sex workers).

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Saan po pwede magpacheck-up for medications (ARV) if naconfirm na HIV positive? And mahal po ba ang medications na yun?

Unknown ayon kay ...

May mga treatment hub tayong maaring puntahan upang isangguni ang ganitong mga katanungan. Matatagpuan ito Sa mga sumusunod na ospital sa NCR..
Research Institute for Tropical Medicine
Philippine General Hospital
Makati Medical Center
San Lazaro hospital

red warrior ayon kay ...

Para po sa listahan ng mga treatment hub at telephone numbers, pls see the tab TREATMENT HUB.

Unknown ayon kay ...

2 weeks po akong delayed tapos nagkaroon ako bigla pagkalipas ng ilang araw, pero iba po sa karinawang dalaw ko. tumagal ito ng 9 days kaya nag pt ako at nag positive, kaya naman po ay nag pa check agad ako sa center at ang sabi naman ni doc ay positive talaga ang resulta sa pt kapag may dugo na lumalabas sa akin. pero pagtapos ng 4 days ay nagpatuloy pa rin ang pagdugo at biglang may buong dugo na lumabas sakin na hugis butiki... nakunan na po ba ako? ano po ang dapat kong gawin? tnx...

Unknown ayon kay ...

Ang pinakamainam Na gawin ay kumunsulta ka Sa isang OB-Gyne upang ma-examine ka at mabigyan ka Ng nararapat Na gamutan.

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

posible po bang mataas ang cd4 count at undetectable na po ang viral load test? ano po ang ibig sabihin kung ganun ang resul;ta ng mga tests?

Unknown ayon kay ...

Possible Ito...ipinahihiwatig nito ang suppression Ng HIV virus Na hahantong Sa pagtaas Ng immunity..

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

magandang hapon po. itatanong ko lang po kung anong mabisang vitamins ang pwedeng inumin ng isang HIV+ upang mas lalong tumaas ang cd4 count?

Unknown ayon kay ...

Doc nakakahiya mang sabihin tanong ko lang po kasi 33 years old na ako pero hanggang ngayon supot pa po ako. ngayon ko lang naisipang magbalak mag-patuli at gustong gusto ko na po matuli. kasi dati po noong bata ako takot ako magpatuli at nung nagbinata na ako nahiya na akong magpatuli kaya tiniis ko na lang kahit tumanda ako ng hindi tuli. ok lang po ba magpatuli sa edad kong eto. Wala naman po bang problemang mangyayare o baka pagtawanan lang ako ng doktor na magtutuli sakin.

Unknown ayon kay ...

Safe ang magpa-circumcised. Tumungo ka Lang Sa isang surgeon at huwag kang mabahala

Mag-post ng isang Komento