Huwebes, Setyembre 5, 2013

Sexually Transmitted Infections (STIs)

WHAT is STIs?

     Sexually Transmitted Infections or STIs have been well known for over hundreds of years. In the past, these infections are mostly been referred as Sexually Transmitted Diseases or STDs. Until in 1990's, it is commonly known as Venereal Diseases or VDs. In recent years, it is preferred as Sexually Transmitted Infections or STIs as it has a broader range of meaning; a person may be infected and may potentially infect others.

Mode of Transmissions:
     STIs may be transmitted by human by human sexual behaviors including:
  • Vaginal Intercourse
  • Oral Sex
  • Anal Sex
  • IV Drug Needles (after it was used by an infected person or sharing needles)
  • Childbirth
  • Breastfeeding
TYPES of SEXUALLY TRANSMITTED INFECTIONS:
     BACTERIAL:
  • Chancroid (Haemophilus ducreyi)
  • Chlamydia (Chlamydia trachomatis)
  • Gonorrhea (Neissera gonorrhoeae) colloquially known as "the clap"
  • Granuloma Inguinale (Klebsiella granulomatis)
  • Syphilis (Treponema pallidum)
      VIRAL:
  • Viral Hepatitis
  • Herpes simplex (Herpes simplex virus 1,2)
  • Human Immunodeficiency Virus (HIV)
  • Human Papillomavirus (HPV)
  • Molluscum Contagiosum Virus (MCV)
     PARASITES:
  • Crab louse (Pthirus pubis) colloquially known as "carbs" or "pubic lice"
  • Scabies (Sarcoptes scabiei)
     PROTOZOAL:
  • Trichomoniasis (Trichomonas vaginalis) colloquially known as "trich"











Sabado, Agosto 3, 2013

Voluntary Counseling and Testing

What is VCT?
            Voluntary HIV counseling and testing (VCT). VCT is a confidential counseling and HIV Antibody testing offered by DOH accredited and licensed laboratories, clinics and hospitals.

What steps will the client undergo?
  • Pre-test counseling
  • HIV antibody testing
  • Post-test counseling

Who should undergo VCT?
            Anyone who thinks that he or she has any of the following risks of getting HIV should seek VCT.
  • Unprotected sex with multiple partners
  • Unprotected sex with person of unknown HIV status
  • Unprotected sex with sex workers
  • Unprotected anal sex between males
  • Injecting prohibited drugs

*The Philippine AIDS Prevention and Control Acts of 1998 (Republic Act 8504) mandates the voluntary nature of the HIV antibody test.

What are the benefits of VCT?
  • Protection of self and loved ones from HIV and AIDS 
  • Access and network with services


(Medical, Psychosocial, Emotional, Spiritual, Legal, Palliative etc.)

Biyernes, Agosto 2, 2013

HIV/AIDS: Mga karagdagang kaalaman (Frequently Asked Questions)

Ang HIV ay dinadala ng mga likido ng katawan gaya ng semilya, dugo, at gatas. May apat na pinakamahalagang paraan para mahawa ng HIV:
  • Pakikipagtalik sa tao na may HIV
  • Pagsasalin ng dugo o mga produktong hango sa dugo o iba pang likido ng katawan gaya ng semilya, o di kaya paglilipat ng parte ng katawan (organ transplantation) mula sa taong may HIV.
  • Mula sa ina papunta sa kanyang sanggol: maaaring sa pagbubuntis, panganganak, o pagpapasuso.
  • Paggamit ng karayom na naiturok sa ibang tao na may HIV
Batay sa mga kadahilanang ito, may mga taong maaaring sabihing high risk o delikadong mahawa ng HIV. Kabilang dito ang mga prostitute at mga gumagamit ng ipinagbabawal ng droga.

Anong uri ng pakikipagtalik ang maaaring magkalat o maghawa ng HIV/AIDS?
Ang pagpasok ng titi sa puke (vaginal intercourse) o ang pagpasok ng titi sa puwit (anal intercourse) ay mga uri ng pakikipagtalik na may pinakamataas na probababilidad na mahawa o makahawa. Mas mataas ang probabilidad na mahawa ang babae sa vaginal intercourse, at ang tumatanggap o nasa receiving end ng anal intercourse. Nakakahawa rin ang pagsupsop sa titi o puke. 

Ligtas o protektado ba ang mga gumagamit ng condom?
Oo, ang condom ay mabisang proteksyon laban sa HIV/AIDS, at may ebidensya na talagang nakakabawas ang paggamit ng condom sa paghawa ng HIV. Ngunit maaari paring mahawa, halimbawa kung masira ang condom habang nakikipagtalik. 


Totoo bang hindi ako mahahawa ng HIV kung hindi magpalabas ng semilya ang aking katalik?
Bago pa man labasan ang lalake ng semilya, may lumalabas na likido na tintatawag na precum at maaari rin itong magtaglay ng HIV kung ang lalake ay may HIV. Para sigurado, higit na mainam wang paggamit ng condom o ang pag-iwas sa pakikipagtalik sa sinumang tiyak na may HIV o kaya’y hindi sigurado kung ano ang HIV status. 

Ligtas ba ang oral sex?
Oral sex, o ang pagsupsop sa tite o puke, ay maaari paring maging tulay sa paghawa ng HIV, bagamat maliit lamang ang probabilidad nito. Maaaring mahawa na babae o lalake na sumusupsop sa tite ng lalakeng may HIV kung ang semilya ay makarating sa mga bahagi ng bibig na may sugat o singaw. Sapagkat hindi nakakahawa ang laway o saliva, ang probabilidad na mahawahan ng HIV sa oral sex ay limitado sa gumagawa nito (i.e. ang sumusupsop) at hindi sa sinusupsop. 

Maaari ba akong mahawa ng HIV sa pakikipaghalikan?
Sapagkat konti lamang ang HIV na nasa laway, hindi ito sapat para makahawa, at dahil dito, itinuturing ang pakikipaghalikan bilang low risk activity. Ngunit dapat parin maging maingat dahil ang pakikipaghalikan ay maaaring maghatid sa mga sitwasyon na high risk gaya ng pakikipagtalik. 

Ang mga lesbian o babaeng nakikipagtalik sa kapwa babae – sila ba ay ligtas sa HIV?
Bagamat may maliit na posibilidad, hindi itinuturing na high risk ang pakikipagtalik ng babae sa kapwa babae.

Mas delikado ba ang anal sex o seks sa puwit kaysa vaginal sex o seks sa puke?
Oo mas delikado ang anal sex sa kadahilanang mas manipis ang balat sa puwit o rectum. Dahil dito, mas medaling masugatan at magdugo habang nakikipagtalik. Ang mga nasugatang ugat ay maaaring magsilbing daan para marating ng HIV ang katawan. Higit na delikado ang anal sex sa receptive partner o ang pinapasok ng tite, kaysa sa insertive partner o siyang nagpapasok ng tite. 

Maaari bang mahawa ng HIV sa kagat ng lamok o ibang insekto o hayop? E kagat ng tao?
Hindi. Kapag ang lamok ay kumakagat, hindi ito nagtuturok ng nakain nitong dugo sa katawan. Hindi rin nakakahawa ng HIV ang kagat ng hayop gaya ng aso o pusa. Sa ibang bansa, may ilang kaso ng pagkahawa dahil sa matinding pagkakagat ng taong may HIV, ngunit ito’y bihirang bihira at hindi mahalagang dahilan ng paghawa ng HIV. 

Ang pagpapatuli o circumcision ba ay proteksyon laban sa HIV?
Ayon sa mga pagsusuri, ang mga lalakeng tuli o circumcised ay mas maliit ang probabilidad na magkaron ng HIV kung ikukumpara sa mga supot o uncircumcised. Ngunit hindi ito tiyak na proteksyon, mas binabawasan lang nito ang probabilidad ng 50%. Kailangan paring gawin ng mga tuli o circumcised na lalake ang mga proteksyon gaya ng paggamit ng condom. 

Maaari ko bang makuha ang HIV sa pagdonate ng dugo (blood donation), o sa pagsalin ng dugo sa akin (blood transfusion)?
Sa kasalukuyang panahon ay sterile o malinis na malinis na ang mga ginagamit ng karayom at iba pang gamit sa pagkuha ng dugo sa blood donation. Hindi ka maaaring magkaron gn HIV sa pagdonate ng dugo o blood donation. Sa blood transfusion naman, hindi rin dapat mag-alala dahil sinusuri ang dugo para sa HIV bago ito i-approve sa pagsalin. Sa kabuuan, ligtas ang pagdodonate at pagsasalin ng dugo at hindi maaring mahawa ng HIV dahil dito. 

Ako ay nagtratrabaho sa ospital bilang nurse, doktor, o technician. Maaari ba akong magkaron ng HIV sa ospital?
Huwag mag-alala dahil basta sinusunod mo ang mga patakarang pangkaligtasan (universal precaution), hindi ka mahahawa. May ilang kaso sa ibang bansa na nahawa dahil sa aksidenteng pagkatusok ng mga karayom na nagamit ng pasyenteng may HIV (needlestick injury) kaya dapat maging ma-ingat sa paghawak ng mga karayom. 

May HIV ako pero umiinom na ako ng antiretrovirals. Makakahawa parin ba ako?
Kahit na umiinom ka na ng gamot at kahit pa sa laboratory test ay makitang mababa na ang viral load o ang bilang ng HIV sa iyong katawan, may HIV ka parin at maaari ka paring makahawa ng HIV. Kaya dapat maging maingat ka parin, at dapat ring mag-ingat ay iyong partner.

Hindi ako sigurado sa HIV status ko at sa HIV status ng partner ko. Anong dapat kong gawin?
Huwag mahiya o mag-alinlangang talakayan ang isyu ng HIV. Magpasuri ng HIV status sa pamamagitan ng HIV Testing at anyayahan rin ang iyong partner na magpasuri. Ang pagiging HIV positive ay hindi katapusan ng mundo at may mga gamot dito. Ang kaalaman tungkol sa iyong HIV status at HIV status ng iyong partner ay isang mahalagang paraan para maiwasan natin ang HIV.

source: http://kalusugan.ph/sakit/?k=kaalaman&a=hiv

HIV/AIDS: Mga dapat tandaan

Ang kalusugan ay itinuturing na kayamanan hindi lang ng isang Pilipino kundi ng buong lipunan. Kung ang isang tao ay malusog, ang mga taong nakapaligid at may malapit na kaugnayan sa kaniya ay magkakaroon ng kompyansa na makipag-usap, makipag-ugnayan at magkaroon ng personal na relasyon sa kaniya at may sapat na kompyansa para mabuhay ng masaya, ng may dignidad at ng may pagtanggap sa lipunang kaniyang ginagalawan.
Kadalasan, ang ganitong senaryo ay hindi tinatamasa ng isang taong may malalang sakit, lalong-lalo na ang mga biktima ng AIDS na itinuturing na nakakahiyang sakit o stigmatized disease. Karamihan kasi ng mga nagkakaroon ng HIV/AIDS ay nakakaranas ng pagtanggi sa kanilang totoong kalagayan, pagkagalit sa sarili at sa mundo, at depresyon. Marahil ito ay dahil na rin sa ang HIV/AIDS ay hindi nagagamot at karamihan sa mga taong nagtataglay nito nakakaranas ng pagtanggi at pag-iwas ng mga dating kaibigan at ng ibang tao, diskriminasyon sa paaralan, trabaho at iba pang social contexts, at pagbabansag na sila ay mga bakla o kaya ay drug addict.
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) ay isang nakamamatay na sakit na bunga o dulot ng virus na tinatawag na HIV (Human Immunodeficiency Virus). Ang virus ay umaatake sa sistema ng panlaban sa sakit ng tao – ang lymphocytes oT-helper cells. Ito ay isang uri ng white blood cell (leukocytes) na siyang pangunahing depensa ng katawan laban sa mga sakit. Sinisira nito ang mga bacteria at virus at iba pang microorganisms na pumapasok sa katawan ng tao. Ang normal values ng T-helper cells ay nasa 1000 cubic millimeters (20% - 40% of total leukocyte count). Kapag mas mababa sa 200 ang bilang, ang depensa ng katawan ay humihina, madaling_kumapit ang iba’t ibang impeksiyon at kanser, at itinuturing nang indikasyon na ang biktima ay may AIDS.

Ilan sa mga katangian ng taong may sakit na AIDS maliban sa mababang bilang ng mga T-helper cells ay ang pagiging positibo sa pagsusuri hinggil sa HIV, ang pagkakaroon ng ilang natatanging karamdamang kagaya ng ‘Kaposi’s Sarcoma’ (isang agresibong kanser na tumutubo sa balat o sa bibig), Pneumocystis carinii pneumonia (PCP), Tuberculosis, at iba pang sakit na dulot ng mga fungi.

Maaaring magkaroon ng AIDS ang kahit sinumang tao. Noong taon 2010, tinatayang 34 milyon na tao sa buong mundo ang namumuhay na may HIV virus, 1.8 milyon ang namatay dahil sa AIDS, at 271 Filipino OFWs ang naitala na may HIV/AIDS. Naalarma ang UN upang gumawa ng mga hakbangin para mapigilan ang pagkalat ng HIV/AIDS at inilagay na layunin ng bawat kasaping bansa na masugpo ang AIDS hanggang taong 2015 at ang pagkatatag ng UNAIDS bilang pangunahing kamay ng UN sa pagpigil ng paglaganap at pagmomonitor ng mga kaso ng HIV/AIDS sa buong mundo

Palatandaan: Kabilang sa mga sintomas ng pagkakaroon ng HIV at AIDS: i) ang pamamaga ng mga kulani (lymph nodes) na tumatagal ng may mga tatlong buwan, ii) pag-ubo at pagkakaroon ng lagnat na tumatagal ng may higit sa isang buwan, iii) pagiging madaling mapagod kahit wala namang ginagawa, iv) ang pagbaba ng timbang, pangangayayat, v) mga sugat o sakit sa balat na hindi gumagaling, at vi) ang pagtatae. Maaaring tumagal ang impeksiyon simula 5-10 taon bago maging ganap na AIDS ang sakit. Sa kadalasan, walang nakikitang mga palatandaan ang isang taong may impeksiyon sa HIV.

Paghawa: Naisasalin ang HIV sa ibang tao sa pamamagitan ng: i) pakikipagtalik na walang proteksiyon sa isang taong may HIV o AIDS, ii) sa pagsasalin ng nakontaminahang dugo, iii) sa paghiram ng heringgilyang ginamit ng taong may HIV/AIDS, iv) paggamit ng mga hindi malinis na karayom ginamit sa pagpapatattoo o body piercing, at v) ng isang inang may HIV o AIDS sa isang sanggol sa kapanahunan ng pagdadalantao, panganganak at pagpapasuso.

Ang sinumang napatunayang positibo sa HIV ay maaaring maisalin o mahawaan ang iba kaya’t hindi siya maaaring magbigay ng kaniyang dugo, plasma, organ, at semilya. Ang isang taong may impeksiyon sa HIV ay nararapat lamang na balaan ang sinuman na kaniyang makakatalik tungkol sa kaniyang pagiging positibo sa HIV. Ipinapayo na gumamit ng proteksiyon gaya ng paggamit ng kondom. Gayunman, may panganib na mahawa sa impeksiyon kahit na gumamit ng kondom kapag nabutas iyon.

HINDI nakukuha ang HIV mula sa paghahalikan, laway, yakapan, pag-ubo, luha, pawis, pagbahing, pakikipagkamayan, paghihiraman ng damit, pakikisalo sa pagkain, paghiram ng kubyertos, kagat ng lamok o paggamit ng kubeta.
Pag-iwas at pag-iingat:
A – abstinensiya (pagpipigil at pagtanggi)
B – be faithful (isa lang ang katalik)
C – correct condom use
D – droga iwasan o “don’t take drugs”
E – early diagnosis and treatment (maagang pagpapatingin at pagpapagamot sa doktor o pagamutan)

Lunas at paggamot: Sa kasalukuyan, wala pang natutuklasang lunas para sa HIV, subalit maraming pag-aaral ang isinasagawa para sa mga gamot na magagamit laban sa HIV/AIDS, na maaari ring ganap na lunas o bakuna laban sa HIV.  Tanging sa pagsusuri ng dugo lamang malalaman kung may sakit na HIV ang isang tao at ito ay lihim o kumpedensyal na isinasagawa. Ang pagsubok ng HIV ay binubuo ng inisyal na screening sa isang ELISA (enzyme-linked immunosorbent assay) upang matukoy ang antibody sa HIV. Inuulit-ulit ito at sa final screening ay ginagamit ang Western blot para sa pagkompirma na positibo ang isang tao.  
Mahalaga ang regular na Vaginal PAP smear upang masubaybayan ang impeksiyon sa HIV dahil mataas ang panganib na magkakanser sa cervix ang may HIV. Ang Anal PAP smear ay kailangan din upang malaman kung may posibilidad ng kanser ang lalaki at babae nahawa sa HIV.

Ang Antiretroviral therapy (ARV), gaya ng mga Protease Inhibitors ay sumusugpo sa paglala ng HIV virus sa katawan. Ang kumbinasyon ng iba’t ibang antiretroviral agents na sinasabing may mataas at aktibong ARV (HAART) ay sinasabing epektibo sa pagpapababa ng bilang ng HIV particles sa pagdaloy ng dugo na sinusukat sa tinatawag na viral load. Maaari itong makatulong sa sistema ng panlaban sa sakit ng tao at mapataas ang bilang ng T-helper cells.
Ang HAART ay koleksiyon ng iba’t ibang uri ng gamot, na may di-inaasahang epekto  sa katawan. Ilan sa mga ito ang pagkahilo, sakit ng ulo, panlalambot, at pag-iimbak ng taba sa likod at sa tiyan. Kapag ginamit ng matagalan, ang gamot na ito ay nakapagpapataas ng panganib ng atake sa puso dahil pinalalaki nito ang antas ng lipids at glucose.  

Ang HIV ay may dalawang (2) strain o uri: ang HIV-2 ang siyang kadalasang natatagpuang strain sa mga biktima ng HIV sa Africa kung saan matatagpuan ang 70% ng mga taong may HIV/AIDS sa buong mundo. Samantalang HIV-1 strain naman ang kadalasang matatagpuan sa mga HIV/AIDS victim sa Amerika. Isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring gamot sa HIV/AIDS ay dahil sa ang mismong birus ay nagpapalit-palit ng anyo at kadalasang nagtatago sa mga parte ng katawan na hindi naaabot ng mga gamot na ARV gaya ng utak at spinal cord. Dahil dito, ang pinakamabisa pa rin na dapat gawin ng isang taong ayaw magkaroon ng HIV/AIDS ay iwasan ang mga gawaing may mataas ng pagsalin ng HIV sa kapwa tao. (FNA-Rome).

Ang aming inilalathala ay sadyang gabay lamang. Importante pa rin ang pagsadya sa doktor o espesyalista na maaari pang magbigay ng iba pang mga tagubilin ayon sa mga pangangailangan ng bawat pasyente. Sila rin ang makakapagbigay-linaw kung mayroon pa kayong mga katanungan o pag-aalala tungkol sa inyong kalusugan. 

source:http://www.akoaypilipino.eu/gabay/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-hiv-infection-aids

Sabado, Hulyo 27, 2013

HIV/AIDS: Mga Stigma o maling kaalaman tungkol sa pagpapasa

Dapat ring malaman na hindi naipapasa ang sakit na HIV/AIDS sa mga sumusunod:
  • kuwentuhan o sosyalan
  • hiraman ng damit at ibang kagamitan
  • hawak
  • hiram na kutsara at tinidor
  • halik at yakap
  • paggamit ng palikuran
  • kagat ng lamok
  • luha
  • laway
  • pawis
  • pagtira o pagtatrabaho kasama ang isang taong may HIV o AIDS
  • paggamit ng manicure set ulad ng nailcutter, pusher at nipper

Sabado, Hulyo 20, 2013

HIV/AIDS: Mga common na paraan ng pagpapasa

Ang impeksyon na dulot ng HIV ay nakaka-alarma at maging ang patuloy na pagdami ng nagkakaroon nito sa kahit na anong kasarian. Ang pagpapasa ay sa pamamagitan lamang ng mga likido tulad ng – dugo, semen, precum, rectal fluids, vaginal fluids, at gatas ng ina na positibo sa HIV. Ang mga likidong ito ay dapat lamang magkaroon ng contact sa mucous membrane o damaged tissue (matatagpuan sa loob ng rectum, vagina, opening of the penis at sa bibig), at direktang pagturok sa bloodstream ng isang tao upang makapanghawa. Madaling maiwasan ang impeksyon na dulot ng HIV sa mga sumusunod na paraan;
  • Hindi protektadong pakikipagtalik sa tao na positibo sa HIV o ang tinatawag na UNPROTECTED sex (sex without condom) sa pamamagitan ng anal sex, vaginal sex at maging oral sex (kung ito ay may sugat),
  • Pagsasalin ng dugo ng isang HIV+ sa ibang tao (Blood Transfusion),
  • Pagdo-donate o pagbibigay ng mga internal organ ng isang HIV+ (Organ Donation),
  • Pagbubuntis, Panganganak, Pagpapasuso ng Gatas ng Ina sa Anak, (Mother to Child Transmission), at
  • Paggamit ng karayom na naiturok sa ibang tao na positibo sa HIV.
Sa mga nabanggit na paraan mabilis na naipapasa ang HIV sa ibang tao. Isang maling pag-iisip na ang HIV ay isang communicable o contagious disease kung saan maaring makapanghawa o makapagpasa sa pamamagitan ng pag-ubo, pag-bahing at maging ang tilamsik ng laway. Hindi rin ito naipapasa sa mga pang-araw-araw ng gawain tulad ng pakikipag-kamay, pakikipagyapusan at pakikipaghalikan. Hindi rin makakahawa ang ang paggamit ng toilet seats, pag-inom sa baso, pagsalo sa pagkain at paggamit ng mga utensils ng taong positibo sa HIV. At, higit sa lahat hindi tulad ng dengue ang HIV ay hindi nabubuhay sa mga lamok.

HIV/AIDS: Paano maiiwasan?

Ang HIV o AIDS ay maaaring iwasan sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Pag-iwas sa pagkakaroon ng maraming katalik:
     Ang pagkakaroon ng maraming ka-sex ay higit na mapanganib at mataas ang tsansa na mahawa sa iba't ibang uri ng STI/STD lalo na ang HIV/AIDS. Disiplina at kontrol sa sarili ang susi upang maka-iwas sa pagkakaroon ng maraming katalik. Ang higit na edukasyon at tamang kaalaman tungkol sa HIV/AIDS at iba't ibang uri ng STD/STI ay makatutulong rin upang maiwasan ang pagkakaroon nito.
2. Proteksyon sa pamamagitan ng tamang paggamit ng "CONDOM":
     Isang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng HIV/AIDS at STD/STI ay ang tamang paggamit ng "condom". Kung ang isang tao na "sexually active" ay gumagamit ng "condom" mas nagiging mataas ang tsansa nyang maiwasan ang pagkakaroon ng HIV/AIDS o STD/STI.
3. Pag-iwas sa droga na tinuturok (Drug Injection):
     Isa rin ang paggamit ng mga droga na tinuturok ang dahilan sa mabilis na pagkalat ng HIV/AIDS. Ito ay sa dahilang ang mga tao o grupo ng taong gumagamit ng ganitong uri ng droga ay kadalasang naghihiraman ng karayom. Sa pamamagitan nito, ang isang taong HIV Positive ay maipapasa ang Virus sa sinumang susunod na gagamit ng karayom.
  
4. Maagang pagsuri at paggamot sa STI o sexually transmitted infections

5.  Tamang kaalaman at edukasyon

Biyernes, Hulyo 19, 2013

HIV/AIDS: Mga posibleng Sintomas

Kung sa palagay mo may HIV/AIDS ka, mas makabubuting magpa-test o sumangguni agad sa mga Doctor para sa karagdagang kaalaman pangkalusugan. Sa topic na ito ipapakita ang mga possibleng sintomas ng isang tao na may impeksyonng dala ng HIV.

Walang kasiguraduhan kung paano at gaano kabilis ang paglaganap ng impeksyon ng HIV sa katawan ng isang tao. Ang mga sintomas at palatandaan ay maaring maging asymptomatic habang ang impeksyon ay nasa proseso ng pagdami. Kadalasan ang mga taong nadapuan ng sakit na ito ay nakakaranas ng flulike symptoms o acute retroviral syndrome (ARS) – isang primary infection sa immune system kung saan ang tao ang nagkakaroon ng pabalik-balik na lagnat sa loob ng 2-4 na linggo depende sa natitirang lakas ng resistensya sa katawan ng tao. Ating alamin pa ang ibang possibleng sintomas ng impeksyon dulot ng HIV sa tao.

Fever/Lagnat
Tulad ng naunang nabanggit ang lagnat na pagbalik-balik sa loob ng 2-4 linggo ay maaring maging sintomas. Kung ang lagnat ay hindi bumababa sa 37.5°C (degree Celsius) at may kasamang kakaibang pagod, pamamaga ng lymph nodes at pagsakit ng lalamunan, maaring ang taong nakakaranas nito ay may impeksyon na. Sa ganitong panahon, ang virus ay napupunta sa main bloodstream at  nagsisimula nang kumalat sa katawan ng tao.

Pamamaga ng lymph nodes
Ang lymph nodes ay isang mahalagang parte immune system, at pag ito ay namaga ibig lamang sabihin ay may impeksyon sa loob ng katawan ng isang tao. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa kili-kili, singit at leeg. Kasabay ng pagkakaroon ng pagang lymph nodes ang pagkakaroon ng muscle at joint pains o mga kasukasuan.

Palagiang pamamaga ng lalamunan
Ang palagiang pamamaga ng lalamunan ay isa rin sa mga possibleng sintomas ng impeksyon lalo pa at may kaakibat ng matinding pagsakit ng ulo. Madalas itong naiihalintulad sa “tonsillitis” ngunit kung ang isang tao ay may impeksyon dulot ng HIV ang pagsakit at pamamaga ng lalamunan ay magiging madalas. Ito ay nagdudulot rin sa isang tao ng hirap sa paglunok at possibleng madebelop ng iba pang fungal infections tulad ng candidiasis o “thrush”.

Skin Rashes
Maaring makita ang skin rashes sa una o huling yugto ng pagkakaroon ng impeksyon. Madaming uri o klase ng rashes sa balat ang maaring dumapo depende sa estado ng immune system. Kadalasan nagsisimula ito sa tila pulang butlig na may pambihirang kati na sa kalaunan ay maari pang magdulot ng sugat sa katawan. Walang partikular na parte ng katawan ito lumalabas, kaya mas mabuting nang sumangguni agad sa mga espesyalista kung nakakaramdam nito.

Pagtatae at Pagkabawas ng timbang
Ang pagtatae ay isa sa mga common na possibleng sintomas lalo na kung ito ay nagiging madalas sa isang tao. Dahil patuloy na kumakalat ang virus sa katawan, natataman at naapektuhan na rin ang digestive system ng tao na nagdudulot ng madalas ng pagtatae at nauuwi sa mabilisang pagkabawas ng timbang.

Tuyong ubo
Ang normal na ubo ay tumatagal lamang dalawang linggo sa isang tao na may maayos at magandang immune system. Ngunit, kung ang tao ay may impeksyon dulot ng HIV, ito maaring  tumagal ng ilang buwan o maaring taon pa. Madalas itong napapagkamalang allergy ngunit hindi  ito natatanggal sa mga commercial na gamot tulad ng antibiotics at antihistamine. Ang matagal na pagkakaroon ng ubo ay maaring mauwi pa sa ibang respiratory problems kapag hindi naagapan tulad ng pneumonia at tuberculosis.

Night sweats
Ito ay ang pagpapawis nang labis habang ang tao ay tulog. Hindi ito normal sa taong may maayos at magandang immune system at hindi ito kumportable sa taong nagkakaroon nito. Ang pagkakaroon ng night sweats ay dahil sa bacterial infection (mycobacterium avium complex, MAC) at ng fungal infection (histoplasmosis), tuberculosis, at ng endocrine disorders. 

Nail discolorations
Ang pagkakaroon ng pagbabago sa kulay ng kuko ay isa sa mga possibleng dahilan. Ang pagbabago ng kulay ay maaring dahil sa fungal infection tulad ng “candida”. Tandaan na ang mga taong may impeksyon ng HIV ay mas lapitin sa mga fungal infections. Kung ang kuko ay naghahati-hati, at nagkakaroon ng tila brown/black na guhit pahalang man o pataas, ito ay maaring sintomas ng fungal infection.

*Isang paalala na ang mga sintomas ng HIV/AIDS ay maaring lumabas bago o pagkatapos maimpeksyon ng virus. Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin kaming nangangalap sa mga possibleng sintomas kaya kung may nais kayong idagdag dito ay maaring mag-iwan lang komento.


Think you have HIV? The only way to tell is to get an HIV test...